PAGLABAN SA KATIWALIAN ISINABUHAY NI ‘MANDIRIGMA’

GM Alexander F Balutan

CAMP AGUINALDO – TUGMA ang teaser ng librong inilunsad kahapon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Retired General Alexander F. Balutan na ‘Touching Lives Healing the Filipino Nations.”

Ito ay nang ihayag ng heneral  na hindi siya nagsisisi sa pagtestigo niya hinggil sa umano’y malawakang dayaan sa halalan mahigit isang dekada na ang nakalilipas.

Bagaman ngayon ay kasama sa pamahalaan ang ilang opisyal na minsang nakabangga dahil sa point of view ay wala siyang pagsisisi at ginawa lang niya ang alam niyang tama.

Malaki naman ang naitulong ng kaniyang ginawa dahil nagbigay daan ito sa mga pagbabago sa sistema.

Kahapon, inilunsad ni Balutan ang kanyang librong Mandirigma ‘In wartime and peace’  na sinulat ng sikat na director na si Mauro Gia Samonte sa AFP Officers Club sa Camp Aguinaldo.

Nabatid na plano rin ni Direk Mauro Gia Samonte na gawing isang pelikula ang nasabing libro na tumutunghay sa war exploit ni Balutan.                               VERLIN RUIZ

Comments are closed.