PAGLABAS NG ESSENTIALS SA BOC MAMADALIIN

custom

PATULOY  ang mabilisang proseso ng paglabas sa Bureau of Customs (BOC) ng mga pangunahing pangangailangan ng publiko sa harap ng  ipinatutupad na extended enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kabilang sa mga hakbang na ito ang paglipat ng 2,733 containers na naglalaman ng essential goods  katulad ng pagkain, alcohol at PPEs mula sa Manila ports patungong Pacific Roadlink Container Inc. sa Manila North Harbour Port Inc. at Laguna Gateway Inland Terminal upang lumuwag naman ang yarda at bodega ng naturang ahensiya sa pier.

Maging ang pag-transfer ng mga reefer container  na may lamang imported na pagkain ay patuloy ring isinasagawa  sa Port  of Manila at Manila International Container Port sa pakikipag-ugnayan sa mga terminal operator papunta naman sa inuupahang  pribadong storage facilities.

Una nang ipinamahagi ng BOC sa Department of National Defense(DND) at Office of Civil Defense(OCD) ang forfeited na 320 containers ng bigas at 186 reefers frozen fish na ipinamigay rin ng nabanggit na mga ahensiya  sa taumbayan noong nakaraang linggo. NORMAN LAURIO