MINALIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na may posibilidad na sa Enero 2020 pa mapirmahan ang P4.1 Trillion National budget.
Paliwanag ni Cayetano, ngayon lamang din natanggap ng Ehekutibo ang 4 volumes na kopya ng pambansang pondo dahil sa natagalan sa printing.
Pero ayon kay Speaker, nakipag-usap na siya sa Palasyo at nagbigay ng assurance o katiyakan na mapipirmahan ang pambansang pondo bago ang Bagong Taon.
Kailangan lamang aniya ng Malakanyang ng sapat na oras para masuri ang mga kopya ng budget bago ito pirmahan.
Aniya, latest na lamang kung ang 2020 budget ay mapirmahan sa Enero.
Nakahanda naman ang liderato ng Kamara na magtungo sa Davao City kahit naka-Christmas break ang Kongreso upang matiyak lamang na mapipirmahan agad ni Pangulong Duterte ang budget.
Sakali namang mangyari na Enero pa malalagdaan ang pambansang pondo, wala itong magiging epekto sa bansa. CONDE BATAC
Comments are closed.