PAGLAGO NG AGRI SECTOR BUMAGAL

PIÑOL-1

BUMAGAL ang full-year expansion ng farm sector noong 2018 sa 0.56 percent kumpara sa halos 4 percent na naitala noong 2017 dahil sa mga bagyong tumama sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol, na ang 1.80-percent growth ng  sector sa fourth quarter ng 2018 ay hindi sapat upang ‘mas gumanda’ ang full-year expansion sa inaasahan ng ahensiya.

Naunang nagbigay ng pagtaya ang Department of Agriculture (DA) na ang farm output ay lumago ng isang porsiyento noong 2018, kapos sa target growth nito na 2.5 percent.

“We were able to recover in the last quarter but it was not enough to make things prettier as we expected it would be. Obviously, it was a challenging year for Philippine agriculture,” wika ni Piñol.

“We attribute that to the almost monthly tropical disturbances and typhoons, punctuated by Super Typhoon Ompong, which really affected agriculture production,” dagdag pa niya. .

Sa quarterly report na na­lathala noong Miyerkoles, sinabi ng PSA na ang crops subsector production noong 2018, na nag-aambag sa kalahati ng total output, ay bumaba ng halos isang porsiyento dahil sa sunod-sunod na bagyo na nanalasa sa bansa.

Ayon sa PSA, ang total palay output noong nakaraang taon ay bumaba ng 1.09 percent sa 19.066 million metric tons (MMT), mula sa 19.276 MMT noong 2017. Gayundin, ang produksiyon ng staple sa fourth quarter pa lamang ay bumaba ng 2.20 percent sa 7.156 MMT mula sa 7.317 MMT sa kaparehong panahon noong 2017.

“This was attributed to the reduction in area harvested brought by the effects of ‘Habagat’ in Ilocos Region and Central Luzon, and the damages caused by typhoons ‘Henry’, ‘Inday’, ‘Josie’, ‘Luis’, ‘Ompong’ and ‘Rosita’  in Northern Luzon,” sabi pa ng PSA. JASPER ARCALAS

Comments are closed.