PAGLAGO NG MARITIME, MAPAPADALI ANG PAGLIKHA NG TRABAHO

PAGLAGO NG MARITIME, MAPAPADALI ANG PAGLIKHA NG TRABAHO- Inihayag ito ni Senadora Cynthia Villar sa pagbubukas ng Cruise Travel Tourism and Maritime Careers Convention 2024 na inorganisa ng Expo Maritime Philippines 2024 sa SMX Convention sa Pasay City. Itinampok ni Villar ang mga pangunahing pananaw na magsusulong sa paglago ng maritime tourism. Aniya, makakamit ito sa pagtaas ng arrival ng cruise passengers at bilang senador, nangakong isusulong ang mga legislation upang pasiglahin ang maritime industry. Kasama ang organizer na si WMOC Group of Companies President and CEO Rachelle Lopez, investors at ibang government officials, pinangunahan din ni Villar ang ribbon-cutting ceremony na naghudyat nang pagbubukas ng convention.