PAGLAGO NG PH ECONOMY BUMAGAL SA 5.2% SA Q3

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.2% sa third quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mababa ito sa 6.4% na naitala sa naunang quarter.

Ayon sa PSA, dahil dito, ang average gross domestic product growth para sa unang tatlong quarters ng 2024 ay 5.8%, na bahagyang nasa ilalim ng target ng pamahalaan na 6% hanggang 7% para sa taon.

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang gross domestic product (GDP) ng bansa — ang kabuuang halaga ng goods and services na naprodyus sa isang panahon — ay lumago ng 5.2%, kung saan ang services sector ang nagtala ng pinakamalaking kontribusyon na may 4.1%.

Aniya, ang industriya ay nag-ambag ng 1.3% sa paglago ng GDP habang ang Agriculture, Forestry, and Fishing (AFF) industry ay may -0.2%.

Samantala, ang gross national income (GNI) ng bansa ay tumaas ng 6.8% at ang net primary income sa 19.3%.

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na nananatili ang Pilipinas bilang isa sa fastest-growing economies sa Asia.

“We follow Vietnam which posted a 7.4% growth rate, and are ahead of Indonesia (with 4.9%), China (4.6%), and Singapore (4.1%),” aniya.