HATI ang damdamin ng publiko sa galaw ng halaga ng piso kontra US dollar.
Ang mga kaanak ng overseas Filipino workers ay masaya kapag mataas ang palitan ng dolyar.
Habang ang financial institution ng gobyerno na nasa import ay malungkot kapag mahina ang piso o maliit ang palitan.
Malaki kasi ang epekto ng paggalaw kahit isang sentimo sa foreign exchange.
Kapag humina ang piso, ibig sabihin malaki ang palitan, gaya kahapon, nagsara sa P58.8240 na mas mahina kumpara nitong Miyerkoles na P57.64 ang palitan, batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Iba naman ang rate sa Bank Association of the Philipines na nasa P58 na at ibig sabihin ay mas mahinang piso.
Gayunman, pinawi ng ilang ekonomista ang pangamba na lalo pang hihina ang piso kontra US dollar.
Sinabi ni Michael Ricafort, isang ekonomista, na dahil inaasahan ang peak ng dollar remittance mula sa overseas Filipinos, maaaring makabalik sa P56 o P57 level ang piso.
Dahil ito sa ugaling Pinoy na kapag holiday, marami ang nagpapadala ng pera.
Bukod pa rito ang malakas na salapi ng mga karatig-bansa sa Asia na makakapag-impluwensiya sa Philippine currency.