PAGLAKAS NG SUPORTA SA 1-ANG EDUKASYON PARTY-LIST, LALONG TUMINDI!

Rep-Salvador-Belaro-Jr-2

PATULOY na bumubuhos ang suporta sa 1-Ang Edukasyon Party-list sa pangunguna ni Cong. Salvador “Bong” Belaro. Jr. o mas kilala bilang Mr. Edukasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa paglilibot ni Belaro sa isinagawang kampanya kamakailan sa mga probinsya sa iba’t ibang panig ng bansa, kapansin-pansin ang napakainit na suporta at pagtanggap ng mga kababayang nagnanais malaman ang mga plataporma ni Belaro sa nangungunang party-list sa mga survey ngayong nalalapit na halalan.

Matatandaang inilatag ni Belaro ang kanyang 10-point agenda para sa 1-Ang Edukasyon Party-list kung saan tinukoy nito ang pagpapalakas ng larangan ng edukasyon, pagkakaroon ng access sa edukasyon ng sektor ng mga underprivileged, promotion, pro-tection, at pagbalanse ng kapakanan ng iba’t ibang nasa larangan ng edukasyon katulad ng mga guro, magulang, estudyante, non-teaching personnel at iba pa.

Bukod pa rito, handang tutukan at pagtuunan ng pansin ng kongresista ang kahandaan ng mga Pinoy upang maging globally competitive ang mga ito at ang pagkakaroon ng high quality education.

Nais din ni Belaro na palakasin ang pagiging nasyonalismo sa mga paaralan, pagmamahal sa sari­ling bansa at pagpapanatili ng nakagisnang kultura.

Kabilang pa sa pagtutuunan ng pansin ng 1-Ang Edukasyon Party-list ay ang promotion and development ng siyensiya at teknolohiya na may kaugnayan sa pagprotekta ng Inang kalikasan at sustainable development.

Handa rin tutukan ni Belaro  ang pagpapahusay ng palakasan o sports gayundin ang youth development at rule of law at iba pang karampatang reporma na sumusuporta rito.

Si Belaro ay kilalang kongresista na nagsusulong na maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa. Naka-pagtapos ng Master of Laws sa Cornell University, New York, USA, may doctorate sa Educational Man-agement, dating dean ng Law School at commissioner noon ng Bar of Discipline ng Integrated bar of the Philippines at nakapag-practice bilang abogado sa loob ng halos 20 taon. Pinarangalan din siya ng UP Alumni Assoc. bilang Outstanding Alumnus para sa Serbisyo Publiko at kinilala ng National Press Club at Famas at iba pang prestihiyosong organisasyon.

Comments are closed.