NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) noong Huwebes sa Philippine Ports Authority (PPA) na pabilisin ang paglalabas ng mahigit 800 container van na naglalaman ng tinatayang 20 milyong kilo ng bigas na nakatengga sa mga pantalan ng Maynila ng ilang buwan.
“We respectfully urge the PPA to prioritize the movement of these rice stocks to help increase supply for this essential food staple and potentially lower retail prices,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago na nanguna sa inspeksiyon ng ilang container van kasama ang media, maaaring sinasadya ng mga consignee na patagalin ang paglalabas ng inangkat na bigas upang tumaas ang presyo sa merkado.
Naunang ipinaalam ng DA sa PPA ang posibleng isyu ng rice hoarding sa mga pantalan ng Maynila.
RUBEN FUENTES