PAGLALAGAY NG ‘ABO’ SA NOO IBABALIK NG SIMBAHAN

IBABALIK na ng simbahang katolika partikular ng Archdiocese of Manila ang paglalagay ng ‘abo’ sa noo ng mga mananampalataya para sa Ash Wednesday ngayong araw.

Sa circular na may petsang Pebrero 14, 2023, inatasan ng Archdiocese ang mga parokya at Simbahan sa komunidad sa kanilang nasasakupan na bumalik sa dating nakagawian sa paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya.

Ipinahiwatig din ng archdiocese na hindi hinihikayat ang paglalagay sa sarili ng abo .

“We receive ashes because the call to repentance is addressed to us by Christ through the Church and it is also through the ministry of the Church that we are reconciled with God and each other,” saad sa circular .

Mula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19 noong 2020, pinili ng mga simbahan sa Pilipinas ang pagwiwisik ng abo sa ulo ng mga mananampalataya upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ngunit nang magsimulang bumaba ang mga kaso ng COVID-19 noong 2022, ang ilang simbahan ay nagsimulang bumalik sa kaugalian ng paglalagay ng abo sa noo.

Ngayong taon, sinabi ng CBCP na hindi ito maglalabas ng parehong panuntunan para sa pagdiriwang ng Ash Wednesday .

Sa halip, sinabi ni CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na ipinauubaya na nila ito sa mga Obispo kung may pangangailangan para sa mga tiyak na alituntunin patungkol sa liturgical celebration. PAUL ROLDAN