PAGLALAKAD NG ‘HALF NAKED’ SA PASAY BAWAL NA

Nakahubad

NAGBABALA si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa residente ng lungsod na iwasan ang lumabas ng kanilang bahay o ‘di kaya ay pumunta sa mga pampublikong lugar na half naked upang maiwasan na sila ay patawan ng parusa.

“Please bear in mind that the city government, as part of its measures to enhance further the new image of the city through discipline, cleanliness and orderliness, is enforcing Ordinance 6004 which prohibits persons in the city of Pasay from exposing themselves in a public place half-naked,” pahayag ni Calixto-Rubiano alinsunod sa kanilang ordinance na enacted noong Hunyo 2019.

Ayon kay Calixto-Rubiano, ipinakikita lamang ang mga residente na lumalabas ng kanilang bahay at naglalakad sa public place na half naked na sila ay isang “siga o astig”.

Kaya’t sa naturang ordinansa na iniakda ni Vice-Mayor Noel L. Del Rosario ay nagsasaad na “appropriate manner of dressing needs extra attention by the city government as an orderly act that shall contribute to the atmosphere of decency and hsor igh moral outlook of the people of Pasay,” dagdag pa na “the City of Pasay firmly believes that all persons must be in proper attire while in public places or outside of their private residences in the city.”

Ipinahayag pa ng alkalde, ang naturang ordinansa ay naghahayag din ng “No person/individual of legal age in the City of Pasay shall expose himself (walk, run, stand, jog or the like) outside his/her private residence half-naked.”

Pahayag pa ni Calixto-Rubiano na ang mga lalabag sa nasabing ordinansa ay magmumulta ng P2,000 o may 12 oras na community service sa unang offense; multang P3,000 o 18 oras na service on se­cond sa pangalawang huli at P4,000 o ‘di kaya 24 oras na community service  at maaari rin namang pareho depende sa korte.

Sinabihan din ni Calixto-Rubiano ang pulisya na magsagawa ng monito­ring ng record of conviction ng kanilang mga nahuli upang malaman kung ilang beses na ang mga ito ay lumabag sa naturang ordinansa. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.