PAGLALAYAG: MULA MINDANAO PATUNGONG LUZON

KUNG ika’y hindi pa nakararating sa Shambala Silang sa Cavite, ito na ang tamang pagkakataon upang bumisita.

Ang “Paglalayag: Mula Mindanao Patungong Luzon” ay isang art exhibit tampok ang mga gawang sining ng mga artista mula Mindanao, sa pangunguna ni Kublai Milan.

Ang eksibisyon ay maaaring mabisita simula ika-19 ng Oktubre hanggang ika-19 ng Nobyembre sa Tawid Gallery, Shambala Silang. Kabilang sa art exhibit na ito ay ang mga gawa nina Victor Dumaguing, Jeff Bangot, Jag Bueno, Lucas Rañola, Lizlee Enimido, Kristine Gaid, Anoy Catague, Jong Tangiday, Tanya Gaisano, Aiza Solijon, Michael Salcedo, Pinta de Baryo, Elvis Goloran, Reden Paa, Jamedith Abuan, Rey Ursabia, Xyla Sumalinog, Jeya Que, James Santia, John Paul Senangote, Reymark Felipe, Gevy Camacho, Marfenie Valdez, at Rene Milan.

Ang Shambala Silang ay matatagpuan sa Purok 5, Pulong Bunga, Silang, Cavite. Ang Tawid Gallery sa loob ng Shambala Silang ay isang buhay na museo at art gallery na naglalaman ng mga likhang sining at indigenous art na gawa ng mga Pilipinong manlilikha.

Gustong-gusto rin ng mga bisita ng Shambala Silang ang sariwa at malamig na hangin dito, ang mayabong at makukulay na mga hardin, ang mga tunay na kubo mula pa sa Ifugao, ang dap-ay at amphitheater, ang masasarap na putahe at al fresco dining set up, mga iskultura at gawang sining, at marami pang iba.

Ang buong lugar mismo ay itinuturing na isang likhang sining. Kung interesadong mabisita ang art exhibit, maaaring makapagpa-iskedyul ng pagbisita sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanilang Facebook page (Shambala Silang).