MAAGANG naglagay ng mga checkpoints ang mga awtoridad sa boundaries ng NCR Plus areas upang maiwasan ang ‘exodus’ o pag-uuwian ng mga tao sa mga lalawigan, na maaaring magresulta sa pagkalat pa lalo ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, malaki ang posibilidad na samantalahin ng mga tao sa National Capital Region (NCR) ang mas maluwag pang quarantine upang makalabas at makauwi ng probinsiya.
“If we don’t do this (pagtatayo ng checkpoint), people will leave the NCR, even those with the Delta variant who will go to different places and spread it,” ani Año sa isang panayam.
“First we have to shut down the mobility of people to break the chain of transmission. So the virus would die naturally wherever it is incubating,” paliwanag pa nito.
Binigyang-diin ng kalihim na wala pang bansa sa Southeast Asia ang nakapagpatigil sa Delta variant nang hindi nagpatupad ng hard lockdown sa mga pangunahing lungsod.
Nilinaw naman ni Año na ang mga taong kailangan talagang bumiyahe ay maaaring magprisinta sa checkpoints ng identification cards na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, o anumang valid ID o dokumento na magpapatunay na ang biyahe nila ay mahalaga.
Matatandaang sa Agosto 6 hanggang 20 pa iiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ngunit Linggo pa lamang ng madaling araw ng Agosto 1 ay nagtayo na ng checkpoints o Quarantine Control Points (QCPs) sa boundaries ang mga awtoridad.
Ayon kay Año, ang mga QCPs ay itinayo sa borders ng Bulacan sa Pampanga at Nueva Ecija, Rizal at Quezon, Laguna at Batangas at Quezon, at Cavite at Batangas.
Dagdag ng DILG Chief, sa sandaling umiral na ang ECQ ay maglalagay na rin ng checkpoints sa loob ng Metro Manila. EVELYN GARCIA
754522 543593i love action movies and my idol is none other than Gerard Butler. this guy actually rocks 819956
613653 359334Id always want to be update on new blog posts on this internet site , bookmarked ! . 801039