IGINIIT ng Embahada ng Amerika sa Filipinas na napagdusahan na si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton ang kaniyang sentensya.
Ito ang reaksiyon ng US Embassy kasunod ng paglaya ni Pemberton matapos bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Sa pahayag ng US Embassy, dumaan naman sa proseso ang pagpapalaya kay Pemberton nang katigan ng korte ang Good Conduct Time Allowance nito.
Pinapurihan din ng embahada ang naging desisyon ng Pangulo sa paniniwalang alam nito ang batas bilang isa ring abogado.
Umalis na ng bansa araw ng Linggo si Pemberton na na-convict dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude noong 2014.
“Pemberton has successfully been deported,” sabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval.
Pasado alas-9 ng umaga nang umalis ang military plane, lulan ang 25-anyos na US serviceman, sa Ninoy Aquino International Airport..
Ayon pa kay Sandoval, mukhang “relaxed” at kalmado naman si Pemberton at very smooth ang deportation.
Idinagdag ng Bureau of Immigration official na blacklisted na si Pemberton at ikinokonsiderang “undesirable alien” sa Filipinas. EC
PEMBERTON NAG-IWAN NG THANK YOU, APOLOGY LETTER
NAG-IWAN ng thank you and apology letter bago lumipad papuntang Amerika si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Kinumpirma ito ni Atty. Rowena Flores, abogado ni Pemberton.
Nakalagay sa sulat na pinagsisihan ni Pemberton ang kanyang nagawa noong Oktubre 11, 2014 at nagpaabot din ito ng simpatya sa pamilya Laude sa idinulot nitong pasakit sa kasalanang kaniyang ginawa.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Pangulong Ridrigo Duterte sa pagkakaloob nito ng absolute pardon dahilan para maagang mapalaya ito mula sa pagkakakulong ng anim hanggang sampung taon.
Comments are closed.