INIHAYAG ng Armed Forces of the Philippines na nananatili sa kustodiya ng Bureau of Corrections si US Marine Lance Cpl. Joseph Pemberton kasunod ng apela ng pamilya ng biktimang trandgender na si Jennifer Laude sa desisyon ng Olongapo regional trial court na palayain ito.
“The normal release process is on hold. Pemberton remains under custody of BuCor at its extension facility in Camp Aguinaldo (in Quezon City),” ayon sa Bucor.
Sa pahayag ng Bucor na ibinahagi ni Navy Captain Jonathan Zata, AFP Public Information Office chief mula kay Asec Chaclag BuCor: “On the side of BuCor, we received a copy of the MR filed by the aggrieved party. ‘Yung RTC Branch 74 mismo nag-communicate sa atin. This means BuCor will wait for the final resolution of the MR before continuing the release process. So as is po muna tayo.”
Bigo naman ang mga mamamahayag na makakuha ng proof of life or detention bilang patunay na nakakulong pa talaga si Pemberton sa isang bahagi ng AFP-ISAFP compound.
“Sa BuCor na lang po sila magtanong,” ayon sa AFP.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang pamilya ni Laude, ang mga tumayong abogado nito at maging ang LGBTQI community at hiniling sa korte na palayain na si Pemberton dahil sa GCTA o Good Conduct Time Allowance rule na wala namang basehan dahil hindi naman ito nakakulong sa regular detention facilities.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naging abogado ng pamilya Laude..“Sa akin po, masamang precedent ito kasi ang pinapadala nating mensahe kapag ikaw ay Amerikano at pinatay mo nang parang animal ang Pilipino (sic) halos hindi ka mapaparusahan.”
“Hindi po makatarungan ‘yan. Pinatay ni Pemberton si Laude na parang animal si Laude. Nilublob ang ulo sa inodoro hanggang malunod tapos tinalian pa ang leeg. Hindi po tama na ang karumal-dumal na krimen na ‘yan ay mapaparusahan lamang ng 5 taong pagkakakulong,” ani Roque sa pagpasok sa Camp Agunaldo matapos niyang akyatin ang bakod ng ISAFP compound para mapatuyang nakakulong nga si Pemberton sa Camp Aguinaldo.
Pinangangambahan naman ng pamilya ng pinatay na transgender na tuluyan nang makalabas ng kulungan ang Amerikanong sundalo na na-convict sa pagpatay.
Giit pa ni Atty. Virgie Suarez, abogado rin ng pamilya Laude, dapat na manatili si Pemberton sa kulungan habang hindi pa nareresolba ang motion for reconsideration na layong mabaligtad ang utos ng korte para makalaya siya dahil sa good conduct time allowance (GCTA).
“Hindi maaaring magamit ni Pemberton ang GCTA dahil hindi naman ito nagpakita ng kinakailangang “exemplary deeds” at partisipasyon sa rehabilitation programs at work activities,” ani Suarez.
Si Pemberton ay nahatulan ng anim hanggang sampung taong pagkakakulong sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Laude sa Olongapo City motel noong Oktubre 11, 2014.
Tinuligsa rin ng kampo ni Jennifer Laude ang pahgkakaroon ng pribilehiyo si Pemberton sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos.
Paliwanag ng abogado, bago pa raw maisampa ang criminal complaint laban kay Pemberton ay dinampot na ito ng mga awtoridad upang ikulong. Kaya sa sa kalagitnaan ng preliminary investigation simula noong Oktubre 22, 2014 ay nasa Camp Aguinaldo na ito hanggang sa mag-issue ng resolution ang Department of Justice (DOJ) panel na mayroong probable cause laban sa akusado.
Sinubukan din aniya ni Pemberton na sumuko makaraang ilabas ang warrant of arrest ngunit hindi na niya ito nagawa dahil nakakulong na siya. Kung binigyan lamang daw ng korte ang nasabing US Marine ng mitigating circumstance of voluntary surrender ay posibleng mas mababa pa sa 10 taon ang magiging sentensya nito.
Kaugnay nito sinabi pa ni Atty. Garcia-Flores na ang pribilehiyong ibinigay kay Pemberton upang ikulong sa Camp Aguinaldo ay nakapaloob umano sa VFA.VERLIN RUIZ
Comments are closed.