NAKATAKDANG isalang sa pagdinig sa Senado ang panukalang paglikha ng Department of Water Resources Management at Water Regulatory Commission.
Isasagawa ang pagdinig sa Martes, Disyembre 10 sa pamumuno ni Senadora Grace Poe bilang Chairman ng Senate Committee on Public Services.
Layunin ng pagdinig na imbestigahan ang magiging benepisyo ng sambayanan sakaling magkaroon ng sariling departamento na siyang tututok sa supply ng tubig sa bansa.
Maging si Senador Francis Tolentino ay pabor at naniniwalang napapanahon na para maglikha ng departamento na siyang mamamahala sa supply ng tubig.
Aniya, tama lamang na ang gobyerno na mismo ang tututok sa pagsu-supply ng tubig sa pamamagitan ng paglikha ng Department of Water Resources Management at Water Regulatory Commission.
Nasa priority list ang pagbuo ng nasabing departamento makaraang ihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging State of the Nation Address (SONA). VICKY CERVALES
Comments are closed.