DAHIL tuloy tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na makapagpatupad ng isang National Identification o National ID ay tuloy tuloy rin ang ginagawang pangangalap ng mga datos ng Philippine Statistic Authority (PSA).
Ayon kay Joint Task Force Coronavirus (JTF COVID) Shield commander P/Ltgen. Guillermo Eleazar, exempted sa home quarantine ang mga PSA survey teams na nangangalap ng data hinggil sa COVID-19 at mga National ID System registrars.
Paliwanag ni LtGen Eleazar, ang government workers na nagsasagawa ng survey and data gathering na may kaugnayan sa epekto ng Coro-na Virus Disease (COVID-19) sa bansa ay exempted na mula sa home quarantine base sa latest update on Enhanced Community Quarantine (ECQ) rules na ipinatutupad ng Joint Task Force COVID Shield.
Sinabi pa ni Police Lt. Gen. Eleazar, nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ag mga survey teams na naatasang magsagawa ng pag aaral hinggil samga impormasyong kailangan ng pamahalaan para mapahina ang epekto ng COVID-19 sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal na kabilang sa pinagkalooban ng exemption ang mga mga taong naatasan ng gobyerno na magsagawa ng registration and implementation ng National Identification (I.D.) System.
“This was already coordinated with the Philippine National Police and our Chief PNP, General Archie Francisco Gamboa has already instructed local police commanders to ensure the unhindered travel of these teams and also to extend assistance to them if necessary,” ani PLt.Gen. Eleazar.
“The swift and safe movement of these teams are necessary to get accurate information on the ground that would be used by the national government in effectively responding to the needs of our kababayan especially those who were severely affected by the Enhanced Community Quarantine,” dagdag pa nito.
Isinama na nila sa talaan ng mga taong pinapayagan na makalabas at ang mga tinaguriang Authorized Persons Outside Residence (APOR). VERLIN RUIZ
Comments are closed.