PAGLIKIDA SA EX-COP INIUUGNAY SA KASONG KINASANGKUTAN

pagbabarilin

ILOCOS SUR- NANANATILING blangko ang awtoridad kung ano ang motibo sa pagpaslang sa dating pulis sa Barangay Poblacion Este, Sta. Cruz.

Kinilala ang biktima na si Alex Lagmay, 45-anyos na residente ng nasabing lugar.

Kabilang sa inaalam ng pulisya ay kung may kaugnayan sa ilegal na aktibidad o kaya naman sa droga ang sanhi ng paglikida kay Lagmay.

Giit naman ng mga nakakakilala sa dating pulis na hindi nasangkot sa illegal drugs o anumang ilegalista.

Bago mapaslang si Lagmay ay naglalakad umano ito pauwi nang barilin ito ng mga hindi pa kilalang suspek.

Naitakbo sa Ilocos Sur District Hospital Sta. Lucia ang biktima ngunit idineklerang dead on arrival. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.