PAGLIKIDA SA REUTERS REPORTER KINONDENA

SAMAR-KINONDENA ng ibat ibang media organizations ang ginawang paglikida kay veteran reporter Jesus “Jess” Malabanan, correspondent ng Manila Standard at Reuters kamakalawa ng gabi sa habang nagbabantay sa kanilang tindahan sa Calbayog City.

Si Malabanan ay binaril ng hindi pa nakikilalang salarin habang nanonood ng TV sa loob ng kanilang tindahan.

Si Malabanan na Pampanga based reporter at kasapi ng Pampanga Press Corps ay nagtungo sa Samar sa tulong ng Reuters bunga ng mga natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay sa Pampanga.

Kaugnay nito , sinabi naman ni Usec. Joel Sy Egco ng Presidential Task Force on Media Security, iniimbestigahan na ng PNP ang pagpatayvkay Malabanan.

Ayon pa kay Egco magtutungo siya sa Samar para pangasiwaan ang pag-iimbestiga sa kaso at para personal na rin makiramay sa mga naulila ng mamahayag na kanya rin umanong kaibigan.

“Jess is a personal friend of mine. This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable.

We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime,” ani Egco. VERLIN RUIZ