TARGET ng Senado na maipasa ang panukalang batas na naglilimita sa saklaw ng tatlong taong nakatakdang termino sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa loob ng unang quarter ng 2023.
Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Miyerkoles.
“We are now hell-bent on amending the law,” sinabi ni Zubiri sa Kapihan sa Manila Bay forum.
“We are looking at passing it this first quarter of this year.”
Sinabi ni Zubiri na napag-usapan na nila ito ni Senador Jinggoy Estrada — na siyang namumuno sa Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation — at nagtayo na sila ng technical working group para pag-aralan ang mga panukalang nagsususog sa Republic Act 11709.
“I think ‘yung amendment na ‘yan ay makakatulong sa stability sa military establishments, mawawala na po ‘yung tampo ng junior officers,” ani Zubiri. LIZA SORIANO