WALANG isinusulong na total lockdown sa Luzon ang mga health expert na kinonsulta ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa katunayan ipinabatid ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroong concensus halos ang health experts na hindi na dapat masakop ang buong Luzon sa anumang posibleng extension pa ng enhanced community quarantine (ECQ) na magtatapos sa Abril 30.
Sa ginanap na konsultasyon nitong Lunes ay tinanong ng Pangulo ang health experts sa mga posibleng epekto kapag na-lift, na-modify o napanatili ang Luzon wide ECQ.
Hiningi rin ng Pangulo ang pananaw ng health experts sa posibilidad ng ikalawang yugto ng COVID-19 infections at kung ilan ang mamamatay mula sa virus kapag ini-relax o ini-lift ang ECQ.
Kabilang sa mga kinonsulta ng Pangulo sina dating Health Secretaries Esperanza Cabral, Janet Garin at Jaime Galvez-Tan, public health expert Dr. Susan Mercado, Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon at Dr. Mahar Lagmay ng University of the Philippines. DWIZ882
Comments are closed.