NADISMAYA ang buong bayan sa pagsambulat ng balita ukol sa ninja cops na maaaring kinasasangkutan ng matataas na opisyal mismo ng Philippine National Police (PNP).
Mukhang kulang ang diin ng pagbabago sa hanay ng mga pulis kaya mas lalong tutukan ito.
Hindi magandang ang mismong awtoridad na siyang may hawak ng tsapa at baril ang siya pang mangunguna sa kriminalidad.
Sa pagbaba sa puwesto ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ay pagkakataon nang linisin ang puwersa ng pulisya upang masiguro ang kampanya nito lalo laban sa droga.
Inaasahan ng taumbayan ang pagbabago sa serbisyo, ang anumang programa sa landas na ito ay makatutulong din upang malinis ang nadungisang imahe ng PNP.
Bukod sa ninja cops, dapat ding tutukan ang EJK na nakasisira rin sa PNP.
Kamakailan lamang ay isa na namang karumal-dumal na pagpatay ang ginawa ng isa na namang pulis.
Katulad ng nangyari noon sa Caloocan, isang inosenteng kabataan na naman ang pinaslang.
Dapat mahinto na ito, hindi nababagay para sa isang sibilisado at relihiyosong bansa ang ganitong pangyayari.
Dapat na ring ipagsakdal ang may kinalaman sa droga at may sala sa EJK.
Comments are closed.