PAGLILIPAT NG AIRPORT SA CLARK ITINUTULAK SA KAMARA

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

ISINUSULONG  ni House Speaker Gloria Arroyo ang paglilipat ng Ninoy Aquino International Airport sa Clark International Airport sa Pampanga.

Pero paglilinaw ni SGMA, ang kanyang pagtutulak na gamitin at ilipat ang airport sa Clark ay hindi dahil sa nangyaring pagsadsad ng Xiamen Airlines sa runway ng NAIA noong nakaraang linggo.

Matagal nang isinusulong ni Arroyo na ga­wing sentro ng governance at komersiyo ang Clark.

Ipinakita ni Arroyo sa media ang kasaluku­yang ginagawang Clark Airport.

Ang construction ng mga bagong terminal sa Clark ay nakatakdang pasinayaan sa 2020 habang ang bagong runway naman ay binuksan na para sa bidding ng pagtatayo nito. CONDE BATAC

One thought on “PAGLILIPAT NG AIRPORT SA CLARK ITINUTULAK SA KAMARA”

Comments are closed.