NAGING matagumpay ang unang araw ng paglilipat ng domestic flight ng tinaguriang low cost airlines sa bansa sa kanilang bagong tahanan sa terminal 2 mula sa terminal 4.
Ayon kay Air Asia chief Executive Officer Atty. Ricky Isla, masisiyahan ang kanilang mga pasahero, dahil bukod sa malaking espasyo, mga bago ang lahat ng amenities ng terminal 2 kung ikukumpara sa terminal 4.
Dumalo si Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-in charge (OIC) Bryan Co, at iba pang mga opisyal ng ibat -ibang sangày ng pamahalaan bilang pagsuporta sa isinusulong airlines re-assignment ng MIAA.
Kasabay nito isang misa ang ginanap sa mày departure area ng terminal 2, at iprinisinta ang isang ceremonial cake ang bilang simbolo ng isang makabuluhang kaganapan.
Ayon pa kay Isla, ang terminal 2 ang magbibigay daan sa Air Asia upang magkaroon ng additional aircraft nang sa gayon ay mapanatili ang màhusay na serbisyo ng low cost airlines sa bansa.
Umabot sa 12,565 riding public ang nabigyan ng ligtas at komportableng biyahe. Froilan Morallos