PAGLILIPAT SA TERMINAL NG AIRLINES NAUDLOT

General Manager Ed Monreal

INIHAYAG  ni Manila International Airport Authority (MIAA)  General Manager Ed Monreal na hindi pa matutuloy ang terminal Rationalization Program o transfer ng terminal ng mga airline sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa katapusan ng Agosto dahil mayroon pang kinakailangang ayusin ang MIAA bago ipatupad ang naturang programa.

Ang reassignment ng airlines  ay isang pa­raan na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) upang lumuwag ang NAIA sa pamamagitan ng alignment ng domestic at  internationals operations ng mga airline sa mga paliparan sa bansa.

Ayon kay Monreal, sinisimulan nang kausapin ang mga airline operator para sa terminal transfer ng airlines.

Inatasan sila ng Committee Chairman  ng House of Representatives na i-defer muna ang implementation ng terminal rationalization program ng mga airline   habang hindi pa napo-formalized ng Kamara  ang naturang programa.

Samantala, nilinaw naman ng operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang paglipat ng ilang flights ng Philippine Airlines (PAL) sa NAIA Terminal 1 ay para sa preparasyon ng rehabilitasyon ng Terminal 2 na posibleng simulan bago matapos ang taong kasalukuyan. FROI MORALLOS

Comments are closed.