NANG pumirma ang daldalerang si Regine Velasquez ng contract sa ABS-CBN last October 17, muling pinag-usapan ang balita tungkol sa nalalapit na paglipat diumano ni Derek Ramsay sa GMA 7.
But so far, tahimik lang ang kampo ng aktor.
Ganoon naman talaga, silent water runs deep. Hindi ba tulad kay Regine na ngawngaw nang ngawngaw at kung ano-ano ang tsini-chika laban sa GMA na naging mabait sa kanya at supportive.
Hindi man lang niya naisip na ‘yung nilalaglag niyang network ay nagpala sa kanya sa loob ng dalawampung taon.
Inggrata! Nakahihiya! (Hayan, Fermi Chakah, salitang ugat ang inuulit, ha! Hahahaha!)
Anyway, bagama’t palihim, the negotiations between the Kapuso network and Derek’s camp is still ongoing.
By next week, there’s just might be some favorable developments.
In the event na maging maganda ang resulta, there is a great possibility that Derek might just be a Kapuso once again.
Nagsimula ang showbiz career ng aktor bilang co-host sa Eat Bulaga at there was a time na nakagawa rin siya ng isang soap sa GMA.
ZEUS COLLINS TINATAWANAN LANG ANG PAGKAKA-LINK KAY VICE GANDA
GINAGAWANG biro ng Hashtags member na si Zeus Collins ang ongoing hearsay linking him to Vice Ganda.
“Hindi ko po alam kasi hindi lang naman po ako ang natsitsismis na ganu’n,” he was quoted to have said in an interview. “Kaya wala, hindi ko rin naman po pinapansin dahil alam naman po namin kung anong totoong nangyayari kapag kami-kami magkasama-sama.”
Kung sabagay, ang nali-link naman talaga kay Vice ay ang macho guapitong dyowa ni Loisa Andalio na si Ronnie Alonte.
Anyway, dahil gandara ang pangangatawan at may appeal din naman, palaging naitatanong kay Zeus kung dati pa ay palakaibig-an na siya sa third sex.
His answer, marami raw siyang kaibigang gay pero wala pa raw siyang ‘episode’ sa mga ito.
Talaga lang ha? Char! Hahahahaha!
“Mas gusto ko pong makasama ‘yung mga ganu’n,” he said in earnest, “kasi totoong tao, tsaka siyempre masaya kasama lalo na kapag nagbibiruan, nagdyu-joke.”
The press had the chance to talk with Zeus at the press conference for his The Dance Machine Concert last October 17.
Kasama rin niya sa dance concert nila sina Dawn Chang, YouTuber Lady Pipay, Ryan Bang, at ang mga barkada niya sa Hashtags na sina Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron, at Jameson Blake.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.