PAGLIPAT NI REGINE SA DOS ITATAPAT SA GRAND FINALS NG SARILING SHOW

REGINE VELASQUEZ

TAHIMIK ang kampo ng Songbird  na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga kumakalat na tsikang  pag-wallfaceoober da bakod niya sa Kapamilya Network. Pinag-isipan daw ito nang husto ng Songbird since naging super loyal siya bilang isang Kapuso kahit pa nagkaroon na rin minsan na balak niyang paglisan sa mother studio.

Ngayon daw ay tila tuloy-tuloy na ang pagpapaalam ni Regine sa Siyete. Kinonsidera diumano ni Regine ang pagkakataon na mabigyan siya ng ibang proyektong hindi pa niya nagagawa at makasama na rin ang kanyang asawang si Ogie Alcasid sa ABS-CBN. Bukod pa rito, halos lahat ng mga kasamahan niya noon sa dating Sunday musical variety show niya ay nasa Kapamilya Network at feel daw ni Regine na makasama muli ang mga ito at si­yempre pa ang mister.

Dalawa ang show ngayon ni Regine sa Siyete, ang “Sarap Diva” na di na raw ni-renew ni Regine ang contract for a new season, plus ang “The Clash” na nalalapit na rin magtapos sa ere.

Ayon sa tsika, sa live grand final show ng “The Clash” ipapahayag ni Regine ang kanyang pagpasasalamat sa GMA7 at pagbibigay ng ideya sa napipintong paglipat daw ni Regine. Knowing the Songbird, may mga time din na agad siyang nagpapalit ng ideya, we can never tell na baka one day ay mabigla na lang ang lahat sa desisyon ni Regine na muling pumirma ng kontrata sa Siyete.

ALDEN RICHARDS NA-SHELVE ANG PELIKULA DAHIL SA KABISIHAN

ALDEN RICHARDSNASA kalendaryo na ni Alden Richards ang isang pelikula na gagawin niya this year kasama pa ang paboritong kalabtim na si Maine Mendoza, pero sa takbo ng pangyayari sa sobrang bisi ni Alden, bukod sa daily show na “Eat Bulaga” ay may teleserye pa siyang “Victor Magtanggol” at may siningit pang isang concert ay malamang na stand by muna. At heto naman si Maine ay sumalang na sa isang pelikula ni bossing Vic Sotto at Coco Martin na ipapalabas ngayong darating na sa Metro Manila Film Festival.

Nalulungkot man si Alden na walang pelikulang nagawa ngayon taon ay kinausap naman na niya ang kanyang management na sana ay i-prioritize nila ang pelikulang gagawin ng actor. May konsepto na raw kung anong movie ito pero marami pa rin aayusin kung kaya sakto lang na sa susunod na taon ay magsimula na si Alden gumawa ng movie.

At kung si Alden ang masusunod ay nais daw niyang gumawa ng isang pelikula na medyo edgy at medyo may pagka-dark ang kanyang karakter. Isa raw ito sa pinapangarap ni Alden na gampanan karakter. Isa pa rin dream ni Alden ay makagawa rin ng pelikulang puwedeng ilaban sa international film festival. Mas inspired kasi ang young actor sa international filmfest simula ng manalo ang kanyang documentary special na ginawa sa GMANewsTV, ang “Alaala” kung saan ay siya ang lumabas na leading man na naging biktima ng martial law noong dekada 70.

Comments are closed.