PITONG araw o isang linggo pang paiiralin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Tuguegarao City, Cagayan epektibo kahapon, Agosto 22.
Ito ang anunsyo ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, makaraang magwakas ang sampung araw na ECQ mula Agosto 12 hanggang Agosto 21.
“As a compromise, [the] RIATF (Regional Inter-Agency Task Force) allowed us 10 days with a condition that if the situation will not improve, it will automatically be extended to 7 days… automatic extension because we did not improve,” ayon kay ni Soriano.
Batay sa datos ng City Health Office, nang sinimulang ipatupad muli ang ECQ sa Tuguegarao City, nasa higit 700 ang aktibong kaso ng COVID-19 subalit noong Sabado, nadagdagan pa ng 129 na bagong kaso ng naturang virus kaya pumapalo ito sa 1,255.
Pinakamaraming naitala sa Barangay Ugac Norte na may 119 active cases at Barangay San Gabriel na may 96 active cases.
Kasama rin sa may pinakamaraming aktibong kaso ang Carig Sur, Ugac Sur, Caggay, Cataggaman Nuevo, Caritan Centro, Pengue Ruyu, Atulayan Sur at Leonarda.
Tanging ang Barangay Namabbalan Sur ang itinuturing ngayon na COVID-free sa lungsod, ayon kay Soriano.
Ikinababahala din ng pamahalaang lungsod ang dumaraming kaso ng office transmission o hawaan ng COVID-19 doon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.
Nagpasa na ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod na humihikayat sa mga regional office upang magtalaga ng quarantine unit sa kanilang mga gusali.
Magtatalaga na rin ang pamahalaang lungsod ng Covid-19 inspection team na kinabibilangan ng 1 volunteer councilor, 1 department head sa city hall at 1 kinatawan ng RIATF.
953597 411429certainly like your web site but you have to check the spelling on several of your posts. 392289
970947 380730Thanks for another great post. 633745