PAGLOBO NG MAHIHIRAP ISINISI SA MATAAS NA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO

ISINISI ng Palasyo ng Malakanyang sa mataas na  presyo ng produktong petrolyo kung bakit tumaas ang  mga Filipino na  nagsasabing mas humirap ang buhay nila sa 2nd quarter ng 2018.

Sa resulta ng June 2018 survey ng Social Weather Stations, 32 por­siyento  ng mga respondent ang  nagsabing gumanda ang kanilang buhay habang 27 porsiyento  ang nagsabing lumubha ang buhay para sa net gainers score na +5.

Mas mababa ito ng 15 points sa +20 na naitala noong Marso ng taong kasalukuyan  at maituturing na pinakamababa mula +3 na naiposte noong Abril 2016.

Sa kabila nito ay tiwala si Presidential Spokesman Harry  Roque na bubuti ang kalagayan ng ekonomiya dahil sa nananatili ang fundamentals ng bansa.

Naniniwala  pa si Roque  na  pansamantala lamang ang nararanasang hamon sa ekonomiya tulad ng pagbilis  ng inflation rate sa 5.7 porsiyento  ni-tong Hulyo pati na ang mabagal kaysa sa inaasahang growth rate.

Nananatiling excellent ang optimism ng mga Pinoy dahil 49 porsiyento  sa mga respondent ay naniniwalang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan habang 5 porsiyento  ang naniniwalang lalo pang lala ang buhay nila.    NENET V

Comments are closed.