PAGLULUNSAD NG BAGONG P1K PANGUNGUNAHAN NI DUTERTE

PANGUNGUNAHAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes.

Magaganap ito sa Malakanyang sa kabila ng kontrobersiyang ‘glaring errors’ sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design.

Una na itong nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sinabing ang napansing mali ay photo lamang na subject for review.

Kasama sa features ng bagong P1,000  bill ang Philippine Eagle na una nang napaulat na papalit sa World War 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda.

Tiniyak naman ng BSP na hindi made-demonetize ang lumang 1,000 peso bill. DWIZ 882