PAGLULUNSAD NG HARDIN SA BAHAY MATAGUMPAY

HARDIN SA BAHAY

NAGING matagumpay ang idinaos  na Hardin sa Bahay project ng  Progressive Mason Club (PMC) kasama ang World Association for Psychosocial Rehabilitation (WAPR) at Salvation Army (SA) sa lungsod ng Pasig.

Ginanap ang pasimula ng proyekto sa Austria Compound, San Joaquin, Lungsod ng Pasig noong ika-24 ng Enero 2021 sa  pangunguna nina Dr. Tan Cho-Chiong (WAPR), Teddy Ang, Kuen Ty Chua at Joseph Go (PMC) at Major  Allan Salegumba, Pastor ng Salvation Army.

Si Dr Tan Cho-Chiong ang kumakatawan sa WAPR bilang Board of Director na may hangarin sa adbokasiyang “no health without mental health.” Siya ay neurologist at psychiatrist sa Metropolitan Hospital, G. Masangkay Street, Sta. Cruz, Manila.

Ang mga lecturer ay sina Lilia Fontanilla, Jonah Martin at Edgar Bautista.  Ang mga dumalo sa nasabing seminar  ay nagrerepresentante ng 30 pamilya sa Austria Compound.

Bukod sa pangangalaga sa mga  pananim ay itinuro rin ng mga volunteer ng grupo ang paggawa ng pataba na mula sa mga balat ng gulay o prutas.

Nabiyayaan naman ng mga libreng  mga aning gulay at halaman, punla at mga buto ng gulay ang mga residente.

“Malaking tulong ang dagdag na kaalaman sa pagtatanim ng mga halaman at gulay ngayong panahon ng pandemya lalo na at sobrang mamahal ng bilihin pati mga gulay, “ ayon kay Ginang Cristy na isa sa mga dumalo sa workshop. JONAH MARTIN

Comments are closed.