PAGLULUWAG SA QUARANTINE RESTRICTIONS ‘DI PINABORAN

HINDI pabor si Health Reform Advocate Doctor Tony Leachon sa madaliang pagluluwag ng quarantine restrictions sa bansa.

Sinabi ni Leachon na dapat mas paghandaan ng pamahalaan kung paano gagawing malakas at resilient kontra COVID-19 ang Pilipinas.

Dagdag pa nito, mas maiging manatili sa ilalim ng alert level 2 status ang NCR at iba pang panig ng bansa kahit pa nasa 1.4% na lang ang positivity rate ng COVID-19 cases.

Nauna nang nagpahayag si Health Secretary Francisco Duque, III na pabor siya kung mananatili sa alert level 2 ang Pilipinas, ngayong may banta ng Omicron variant sa iba’t-ibang mga bansa bagama’t sinabi ng World Health Organization (WHO) na na hindi nagpapakita ng mas malalang sintomas ang Omicron variant kumpara sa mga naunang strain ng COVID-19.