PAGLUSOT NG POGO WORKERS SA ECQ CHECKPOINTS SISILIPIN

Bernard Banac

CAMP CRAME -IIMESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y pag-escort ng ilan nilang tauhan sa mga Chinese na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ay makaraang mailathala kamakailan na may 22 POGO workers mula sa Metro Manila ang napalusot sa mga quarantine checkpoints patungong Cagayan dahil sa may mga hagad ito mula sa Police Security and Protection Group (PSPG) sa Kampo Crame.

Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, aalamin nila kung may katotohanan ang naturang ulat kasabay na rin ng ikinakasa nilang imbestigasyon.

Sakali mang mapatunayan na may mga naging paglabag nga ang kanilang mga tauhan, tiniyak ni Banac na hindi nila ito kukunsintihin at tiyak na kakastiguhin.

Magugunita na hinarang ng  awtoridad sa Cagayan noong isang linggo ang dalawang delivery truck at van na may lulang POGO workers na nakalusot sa mga checkpoint mula Metro Manila dahil may hagad ang mga ito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.