INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na makipagpulong sa mga egg producer at traders para tugunan ang biglang pagsirit ng presyo nito sa pamilihan sa mga nakaraang linggo sa kabila ng sapat na suplay sa merkado.
Ginawa ng Pangulo, na namumuno rin sa DA, ang tagubiling ito sa isang pulong ng Gabinete habang tinitingnan ng gobyerno na magpatupad ng mga hakbangin na mapataas ang produksyon ng agrikultura at matiyak ang pagkakaroon ng masustansyang pagkain sa abot-kayang presyo.
Nais maliwanagan ng Punong Ehekutibo kung bakit tumaas ang presyo ng itlog nitong mga nakaraang araw, na tumutukoy sa lumalawak na agwat sa pagitan ng farm gate at retail prices, na pangunahing nakikinabang sa mga mangangalakal.
“ We determined that the increase in the price of eggs is not commensurate to the increase in production cost,” sabi ng Pangulo.
“So we will have to have a look to see how to control that because we cannot explain almost one-half of the profit margin that we are seeing. We cannot attribute it to cost,” ayon kay Marcos.
Batay sa price watch ng DA noong Enero 13, ang mga medium-sized na itlog ay natitingi sa P9 bawat isa, kumpara sa P6.90 noong Disyembre 2022.
Sinabi ng DA na ang mga itlog ay dapat lamang maibenta sa pagitan ng P7 hanggang P7.50 bawat piraso dahil sa presyo nito sa farm gate na minsan ay umaabot pa ng halos 9.60 bawat isa.
Ang mga ulat ay nagpapakita na ang mga itlog ay ibinebenta ng kasintaas ng P9.60 kada piraso.
Upang matugunan ang sitwasyon, nauna na muling tinipon ng kagawaran ng agrikultura ang Price and Volume Watch Committee at Advisory Groups para sa Livestock at Poultry upang masusing bantayan ang mga presyo ng mga itlog sa buong bansa.
Sa isang panayam kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na inaalis ng ahensya ang “certain layers of traders” para pababain ang presyo ng mga itlog ng manok.
“We are coordinating with [Philippine] Egg Board also to see the supply situation, and if there are bottlenecks. Sa ngayon, what we are doing also is to eliminate certain layers of traders because that will also help bring down the price,” ayon kay Evangelista.
“Hopefully, mas maganda ang production also of the eggs. There are some challenges that our egg producers are faced with that is now being addressed by our Bureau of Animal Industry,” diin ng DA official.
Sa ulat ng DA sa Malacañang, ang farmgate price ng medium na itlog ng manok ay nasa P6.97 bawat piraso, 7.89 porsiyentong mas mataas kaysa sa presyo noong Disyembre 2022. EVELYN QUIROZ