PAGMAMAHAL SA KAPWA INIALAY NG SIMBAHAN

CMMA SOUP KITCHEN

MAYNILA – MULING ipinadama ng Santisima Trinidad Parish Church sa Malate katuwang ang Catholic Mass Media Awards (CMMA) ang pagmamahal, hindi lang sa kanilang parokyano kundi lalo na sa mga maralita.

Noong Sabado, Marso 23, ay nagsagawa ng feeding program sa ilalim ng Soup Kitchen for the Poor at medical mission ang nasabing simbahan sa pangungu­na ni Rev. Fr. Joselito L. Buenafe at sa suporta ng CMMA na pinamumunuan ni D. Edgard A. Cabangon, bilang chairman of the board of trustees.

Naging katuwang din ni Fr. Buenafe  sa pamamahagi ng groceries si Benjamin Ramos, ang CMMA assistant to the chairman at iba pang opisyal at tauhan ng CMMA.

Mayroon ding mga volunteer na doktor, nurses at pharmacists para sa medical mission at pamamahagi ng mga libreng gamot sa halos nasa 500 naki-lahok

Nagsimula ang prog­rama alas-8:00 ng uma­ga na dinagsa ng mga parokyano na bandang alas-9 ng umaga ay nasa 300 na.

“Inaasahan namin na aabot sa 450 hanggang 500 ang dadalo at hindi pa kasama roon ang kanilang pamilya na inasaahang sasama sa aming Soup Kitchen for the poor at medical mission,” ayon kay Fr. Buenafe.

Sa panayam kay Fr. Jojo Buenafe, ang kura paroko ng Santisima Parish Church, isinasagawa nila ang nasabing programa para sa pagmamahal sa mga mara­lita at naging tagumpay aniya ang event dahil sa suporta  sa kanila ng mga pribadong organi­sasyon gaya ng CMMA.

Nagpasalamat din ang kura paroko sa mga tumangkilik  sa kanilang gawain, sa mga kababa­yan na sumuporta sa dakilang gawain lalo na sa CMMA at hinikayat pa ang publiko na patuloy na pakainin, tulungan at pasayahin ang mga kababayan lalo na ang mga nangangailangan.

“Sana ay patuloy nating pasayahin ang ating kababayan lalo na’t panahon na ng cuaresma kung saan tayo ay pinagninilay-nilay, pinagdarasal at higit sa lahat ay magkaroon ng kawanggawa para sa mga maralita,”ayon pa kay Fr. Buenafe na anim na taon nang kura paroko sa nasabing pook-dasalan.

Sa kabuuan ay na­ging matamgupay ang Soup Kitchen for the Poor kung saan maraming kababayan ang nagkalaman ang sikmura, nakapagpasuri nang libre, nagkaroon ng gamot at pasalubong na bag of groceries.

Comments are closed.