NANINIWALA ang Malacañang na pagmamahal sa pera ang dahilan kung bakit patuloy ang operasyon ng ilegal na droga sa buong bansa.
Dahil dito ay tiniyak ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi titigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong sa anti-illegal drug campaign upang tuldukan ang operasyon ng ilegal na droga at iligtas ang hinaharap sa hindi magandang epekto nito.
Bukod sa ilegal na droga ay ipagpapatuloy rin ng Pangulo ang paglaban sa kriminalidad sa bansa at sa katunayan aniya ay magkakaroon ngayon ng radikal na pagbabago ang istilo ng implementasyon ng mga programa para sa public security and order.
Comments are closed.