GOOD day mga kapasada!
Mga lasinggerong drayber, beware! Ito ang babala ng Land Transportation Office (LTO) sa mga pasaway na drayber na nagmamaneho ng lasing lalo na ngayong Holiday season na matatapos sa susunod pang taon pagkatapos ng kapistahan ng tatlong haring Mago (three kings).
Inihayag ng LTO, na kanilang binigyang diin ang pagpapatindi ng kahingian ng batas RA Act 10586 o ang anti-drunk Act gayundin ang Drugged Driving Act 2013 na ayon sa source ay malawakang nilalabag ng mga pasaway na drayber, paliwanag ng isang mataas na opisyal ng ahensiya ng LTO sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Kaugnay nito, muling nanawagan ang PNP-HPG para sa strict implementation ng tinawag noon na ‘FOUR Es’ o ang elements of traffic management sa buong bansa sa kabila ng hindi mapigilang deadly road accident na isinisisi sa drayber’s error and mechanical failure.
Mahigpit din ang panawagan ng PNP-HPG officials para sa pagpapatupad ng Drunk Driving Law sa harap ng katotohanang ang drunk driving ang pangunahing sanhi ng tragic accident, hindi lamang sa Metro Manila, manapay sa buong kapuluan.
BILANG NG NASAWI DAHIL SA PAGMAMANEHO NG LASING
Sa pagpapatupad ng Anti-Drunk Act, lumilitaw sa pagsusuri ng mga kinauukulang ahensiya ng transportasyon na dumarami ang bilang ng mga drayber na nagmamaneho ng lasing. Bunga nito, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga nasasawi sa paglipas ng panahon.
Halimbawa, noong taong 2009, nakapagtala ng 238 na banggaan (crashes) na end result ng pagmamaneho ng lasing, samantalang noong 2015, umabot naman sa 2,048 ang bilang ng mga nasawi na katumbas halos ng 9 times the number of incidents kung ikukumpara sa mga naging biktima noong 2009.
Sinimulan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng RA 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, which mandates sa lahat ng drayber na iwasan ang uminom ng anumang inuming nakalalasing (alcohol) or be under the influence of drugs, samantalang gumugulong sa mga lansangan upang maghanapbuhay para sa kapakanang panghapag kainan pangangailangan ng nagdarahop na pamilya.
DAPAT IWASAN NG DRAYBER HABANG NAGMAMANEHO
Ipinaliwanag ni Atty. Clarence Guinto, director ng LTO-Law Enforcement Service (LES) na muling ipinatutupad ng agency ang kanilang intensified operations laban sa mga motoristang nagmamaneho samantalang under the influence of liquour and any prohibited substance or illegal drugs tulad ng marijuana, shabu at mga kauring party drugs.
Ayon kay Atty. Guinto, kanilang nabatid mula sa isinumiting report ng kanilang front lines enforcers na they have apprehended plenty of drivers (public utility vehicles or private cars) under the influence of liquor o ng anumang ipinagbabawal na substance, illegal drugs and party drugs.
Sinabi rin nitong sa nakaraan nilang week end operation na binubuo ng inter-government agencies, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP-Highway Patrol Groups (PNP-HPG), Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highway (DPWH), South Luzon Expressway (SLEX), North Luzon Expressways (NLEX) at ng Local Government Units (LGUs), naka-apprehends sila ng 43 truck drivers na lango sa ipinagbabawal na gamot.
Matapos sumailalim ang mga na-apprehend na mga drayber sa masusing imbestigasyon, lumitaw na ang mga ito ay positibo sa illegal drugs (shabu).
Ang mga drayber na lumitaw na positibo na under the influenced of prohibited drugs ay muling isasailalim for further investigation ng LTO-les CENTRAL Office sa Quezon City.
Samantala, pinadalhan ng patalastas ang truckers association kaugnay sa pagkakasangot ng mga driver na gumagamit ng illegal drugs samantalang nagmamaneho.
PATAW NA PARUSA SA LALABAG SA RA 10586
Sa pahayag noon ng PNP-HPG spokesperson Supt. Elizabeth Velasquez, kung ang paglabag ay hindi nagresulta sa physical injuries or homicide, ang penalty na ipapataw sa violators ay tatlong buwang pagkabilanggo at multang mula sa Php20,000 hanggang Php80,000.
Kung ang violation ay nagresulta sa physical injuries, ang penalty na nakasaad sa Article 263 ng Revised Penal Code ay mula Php100,000 hanggang Php200,000.
Nilinaw ni Velasquez na kung ang paglabag ay nagresulta sa homicide, ang penalty na itinatadhana sa Article 3 249 ng Revised Penal Code (reclusion temporal) ay 20 taong pagkakulong at multang Php300,000 hanggang Php500,000.
ILEGAL NA PAGPAPATAKBO NG MC SA LANSANGAN NILINAW NG PAO
Isang motorcycle na nagtanong sa pitak na ito tungkol sa kanyang inaasal sa paggamit ng kanyang MC bilang means of transportation niya sa pagpasok sa kanilang opisina araw-araw.
Ayon kay Tim ng Tondo, Manila, dahil sa lubhang buhol ng trapik ay madalas na nakikisingit siya at palipat-lipat ng linya sa kalsada para lang makaiwas sa mabagal na usad ng mga sasakyan.
Ayon daw sa kanyang mga nakakausap na kapwa MC rider, ang ganito raw gawi sa lingguwahe ng MC riders ay tinatawag na lane splitting ay isang cardinal na paglabag na ipinagbabawal ng batas.
Marami pong salamat TIM ng Tondo.
G. Tim, aaminin ko po na kinailangan kong magsaliksik ng todo sa inyong katanungan. Lingid po talaga sa aking nalalaman sa motoring ang inyong katanungan.
Gayunman, narito po ang legal na kasagutan sa inyong katanungan mula sa Land Transportation Office (LTO).
Ayon sa LTO, mayroong Administrative order mula sa LTO na tumatalakay kaugnay sa inyong katanungan.
Ito po ay ang LTO administrative order AHS-2008-O15 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa paggamit at pagmamaneho ng mga motorsiklo sa mga lansangan.
Ang naturang Administrative order ay inilabas alinsunod sa kahingian ng Executive Order No. 292 na kilala bilang Administrative Code of 1987 gayundin bilang pag-alintana sa United Nations Viena Convention for Road Traffic of 1968 kung saan ang ating bansa ay kalahok at kasamang nakalagda at naaayon na rin sa Department Order No. 96-693, series of 1992.
Nakatadhana sa naturang Department Order na ang lane-splitting ng mga motorcycle sa kalsada ay ang sabayang pagpapatakbo ng motosiklo sa iisang linya ng kalsada na gamit na ng ibang sasakyan (Sec. 1 (d)).
Ang ganitong kahulugan ng lane-splitting ay tugma sa iyong katanungan sa paggamit ng motorsiklo na hayagang paglabag ayon sa Section IX © ng nabanggit na A.O AHS-2008-015. (source – Atty. Persida Acosta ng PAO).
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING AT HAPPY HOLIDAY SEASON SA LAHAT NG KAPASADA!
Comments are closed.