PAGMAMANEHO SA PANAHON NG TAG-ULAN

patnubay ng driver

GOOD day mga kapa­sada! Sa isyung ito, atin pong iaangkla ang paksang ating tatalakayin sa kasabihang “mahirap gisingin ang taong nagtutulug-tulugan”.

Hindi po ito pang-iinsulto sa ating mga kapasada kundi  isang wakeup call para sa inyong kaligtasan habang nagtatrabaho sa lan-sangan.

Sana po, hindi ninyo mamasamain ang paulit-ulit kong ipaalaala sa inyo ang mag-ingat, mag-ingat at mag-ingat.

Mga kapasada, dumarami na ang bilang ng mga nagaganap na sakuna sa mga lansangang ating ginugulungan halos sa araw-araw lalo na sa panahon ng tag-ulan ayon sa ulat ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG). Nahaharap na naman tayo sa tag-ulan (rainy season), ‘di po ba?

Ayon sa PNP-HPG, hindi gayong kadali ang magmaneho sa panahon ng tag-ulan lalong-lalo na sa mga highway.

Ang ulan ay mahirap ma­ging kaibigan ng mga drayber.  Madilim ang langit at kapaligiran, madulas ang mga kalye, malambot ang lupa sa mga hindi sementadong lansangan, may mga lubak-lubak na daan at may tubig, malabo ang mga salamin ng sasakyan, medyo nabibingi tayo sa lakas ng bagsak ng ulan at, higit  sa lahat, matrapik.

May katotohanan nga naman ang tinuran ng PNP-HPG sapagkat  kung umuulan lalong-lalo na sa mga highway ang karaniwang senaryo.

Isa ako sa makapagpapatunay at gusto ko ring ibahagi sa mga kapasada na naranasan ko rin na kung minsan, nagkakaroon ng ze-ro visibility sa mga highway natin na takaw sa aksidente at ang tanging kalasag na magagamit natin laban dito ay ibayong pag-iingat.

PAANO KOKONTRAHIN ANG “HYDROPLANING”

Bago sa bokabularyo ng mga kapasada ang katagang “HYDROPLANING”.  Ito po ay katagang hihiramin natin kay G. Bert Suansing, isang driving expert at may mataas na katungkulan sa Toll Regulatory Board (TRB).

Sa paliwanag ni G. Bert Suansing, kung basa ang mga lansangan likha ng katatapos na malakas na pag-ulan, nakararanas ang mga motorista ng tinatawag na “hydroplaning”.

Nangyayari aniya ang hydroplaning kapag matulin ang takbo ng sasakyan. Dahilan nito ay nababawasan ang friction sa pagitan ng gulong (tire) at ng tinatakbuhang lansangan o kalye.

Ipinaliwanag nito na kapag basa ang lansangan, hindi aniya nakakapit nang husto ang gulong sa kalsada dahil mayroong thin film layer ng tubig sa pagitan ng daan at gulong kaya nagkakaroon ng tendency na parang lilipad ang sasakyan.

Kapag dumarating ang ganitong mga situwasyon,  ang tanging magagawa ay isang simulation (dapat gawin) kung mawalan ng con-trol sa minamanehong sasakyan.

Sakaling mag-skid pakaliwa ang sasakyan, iwasang tapakan kaagad ang preno sapagkat peligroso ang ganitong paraan.  Ang na-rarapat aniyang gawin ay alisin ang paa sa accelerator at saka banayad na apakan ang preno.

Banayad na kontrahin ang manibela pakanan at huwag bibiglain upang maiwasan ang biglang pagpihit ng sasakyan.

Samantala, ipinayo naman ng PNP-HPG sa mga motorista na kung panahon ng tag-ulan o basa ang mga kalsada na inspeksiyuning mabuti ang sasakyan bago magmaneho upang maiwasan ang hydroplaning.

Kailangang nasa kondis­yong palagi ang mga gulong, hindi pudpod dahil iyon ang karaniwang dahilan ng mga aksidente sa lan-sangan kung tag-ulan.

PAGMAMANEHO SA GABI

Malaki ang kaibahan ng pagmamaneho sa gabi sa pagmamaneho sa araw. Unang-una, kadalasa’y pagod na tayo at ina­antok  maliban na lamang kung talagang panggabing drayber tayo.

Maaaring nanghihina na tayo, wala nang ganang magpatakbo ng sasakyan o nagmamadali nang makapagpahinga.

Pangalawa, hindi kaagad-agad nag-a-adjust ang mga mata sa dilim matapos masanay sa liwanag ng maghapon.

Maaaring hindi natin kaagad mapuna ang taong tumatawid o ang seklistang pabigla-bigla na lamang sumusulpot o ang lasenggong pasuray-suray sa gitna ng kalye.

Pangatlo, hindi lamang tayo ang pagod at naninibago sa di­lim.  Ang ibang drayber, ang mga naglalakad, maaaring ang pulis din at pati ang mga pasahero ay malamang na tulad nating wala sa kondisyong makapag-ingat.

Pang-apat, nakasisilaw ang mga ilaw sa lansangan, kasama na ang mga neon signs sa mga building at signal lights ng iba pang mga sasakyan.

PANSALAG SA MGA NABANGGIT

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), sa mga nabanggit na situwasyon, narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan ng drayber tulad ng:

  1. Paglubog ng araw, buksan na ang headlights at tail lights para magsilbing gabay nating mga drayber. Ngunit tandaan natin ang dalawang bagay:
  2. gawin nating katamtaman lamang ang lakas ng mga ito kapag papalapit na ang sasak­yang pasalubong o sumusunod sa atin para hindi masilaw ang mga drayber nito at;
  3. huwag natin titingnan ang tail lights ng sinusundan natin o headlights ng mga sumusunod sa atin para ligtas naman ang mata na-tin sa silaw.
  4. Puwede tayong magsuot ng sunglasses sa maghapon para nakakaporma na tayo’y nasasanay pa ang mga mata natin sa kaku-langan ng liwanag.

Pero pagsapit ng dilim, huwag nating kalilimutang alisin ang mga ito. Kapag ipinagpatuloy itong suot, hindi nga tayo masisilaw sa mga ilaw, pero hindi naman natin maaaninag ang mga bagay na walang kabit na ilaw – tulad ng mga taong tumatawid.

  1. Kung hindi sinasad­yang tayo ay tuluyan na ngang masilaw dahil sa kapabayaan ng isang kapwa drayber, bagalan natin ang takbo hanggang sa mabawi natin ang normal na paningin.

Huwag na huwag  nating iisiping gumanti at itodo ang lakas ng sariling mga ilaw.  Pagagrabihin lamang natin ang sitwasyon at magdadamay pa tayo ng ibang walang kasalanan.

  1. Nararapat talagang bagalan ang takbo sa gabi dahil wala tayong nakikita kundi iyong nasisinagan ng mga ilaw natin. Paano kung matulin ang takbo at may biglang tumawid sa harapan natin? O kaya nama’y tumigil bigla ang sasakyang ­ating sinusundan at hindi ito nakagamit ng brake lights; at dahil nga sa gabi at hindi sigurado ang paningin natin inakala nating tumatakbo pa rin ito? Kung mabagal tayong magmaneho, may pagkakataong makita natin ang tumigil sa unahan natin.  Pero kung mabilis tayo, siguradong tutumbukin natin ito.
  2. Para mas siguradong ligtas sa sakuna, lakihan natin ang distansiya sa nauuna sa ating sasakyan. Kung medyo mahina ang drayber nito o malasin kaya, makaiwas tayo o kung hindi man ay makagagawa ng pa­raan nang hindi tayo malalagay sa alanganin.
  3. Kung liliko sa kanan o kaliwa, doblehin natin ang bagal ng takbo dahil ang mga ilaw natin ay hindi kaagad tutuon sa lilikuan, lakasan din natin ang mga ilaw para may babala sa mga tao at iba pang mga sasakyan na tayo ay lumiliko.
  4. Kung hindi pampasahero ang minamaneho, huwag nating buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan dahil makasasagabal pa ito sa pagtingin ng ibang mga drayber.
  5. Ang kahuli-hulihan, kung tipong aantukin tayo, hindi naman siguro masamang kumanta-kanta o ngumuya-nguya ng bubble gum o uminom kaya ng kape para bumilis-bilis ang sirkulasyon ng dugo natin. Kailangan ding iikot-ikot ang ating mga mata. Kung talagang hindi na mapipigilan ang pagsara ng mata, tama lang namang huminto at matulog muna tayo ng ilang minuto sa isang ligtas na pook tulad ng gasoline station o sa isang kapehan.

DEFENSIVE DRIVING TIPS

Isa sa mga pangunahing turo ng “Defensive Driving”, kung ikaw ay nagmamaneho, whether alone o namamasada, driving safely should always be your primordial concern.

Dahil dito, mahalaga para sa isang drayber na isadiwa at laging gugunitain sa panahon ng pagmamaneho ang basics of safe driving and practice them every time na gumugulong sa lansangan.

Narito ang ilang mahahalagang turo ng Defensive Driving:

  1. ITUON ANG ATENSIYON SA PAGMAMANEHO – Paglaanan ng 100 percent na atensiyon ang pagmamaneho sa sandaling humawak ng manibela. Iwasan ang paggamit ng anumang electronic gadgets tulad ng phone o any other devices while driving.

Magpabagal ng pagpapatakbo. Ang matuling pagpapatakbo will gives you less time to react and increase the severity sa ‘di inaasahang aksidenteng maaaring maganap.

  1. DRIVE DEFENSIVELY – Planuhin ang isang ligtas na pagmamaneho. Gunitain ang kasabihang hindi lahat ng drayber na kasunod o sumusunod sa iyo ay may katinuan ang pag-iisip sa pagmamaneho upang maiwasan ang ‘di inaasang sakuna.
  2. PLANUHIN ANG LIGTAS NA PAGMAMANEO KUNG MAGLALAKBAY – Pag-isipang mabuti ang mga bagay na nararapat gawin kung may planong malayuang paglalakbay tulad ng:
  3. saan nararapat huminto for food, rest brakes, phone calls at iba pang bagay na nangangailangan ng kaagad na atensiyon.
  4. Adjust your seat, mirror and climate control bago lumarga sa paglalakbay.
  5. fill your tummy for whatever to have clearer mind and vision while on the go.
  6. PRACTICE SAFETY WHILE ROLLING ON THE ROAD – Bago patakbuhin ang sasakyan, tiyakin na ang mga karga ay hindi gumagalaw (steady) habang tumatakbo ang sasakyan. Mga dapat iwasan ang mga sumusunod:
  7. Iwasang damputin ang nahulog na dala-dalahan sa floor.
  8. Ihanda sa maaabot ang mga bagay tulad ng – toll fees.
  9. Laging isusuot ang seat belt at magmaneho ng hindi nakainom ng anumang inuming nakalalasing at maging drug free.
  10. Iwasang magmaneho kung pagod.
  11. Huwag pahihintulutan ang mga batang mag-away sa loob ng sasakyan at kailangang sila ay naka-buckled in their seats sa lahat ng oras ng paglalakbay.
  12. Maging maingat when changing lanes. Cutting in front of someone, changing lanes too fast or not using your signals ay maaaring lumikha ng ‘di inaasahang sakuna o ikaiirita ng ibang drayber.

SPEEDING AND TRAFFIC LAW ALAMIN

Maraming mga lansangan ang itinalaga ng Land Tansportation Office (LTO) bilang low-speed zones.

Kabilang dito ang mga pook na may high pedestrian traffic tulad ng mga school zone at mga lansangang maraming intersections na magkakalapit.

Kaya sa ganitong mga pook, ingat lamang at iwasan ang pagpapatakbo nang matulin upang maiwasang maka-aksidente.

Upang maiwasan ang mga ‘di inaasahan isadiwa ang mga sumusunod:

  1. Magsagawa ng full stop at stop signs at tingnan ang ibang drivers at pedestrians bago tumuloy.
  2. Kung may margining na siren mula sa likuran, pull to the side kung magagawa, huminto at maghintay hanggang ang police car o kaya ay bomber ay makalampas.
  3. Igalang ang speed limits sa lahat ng panahon.
  4. Sa pagpa-park ng inyong sasakyan, laging isasaisip ang handicapped signs, fire hydrant, bus stop zones, parking restrictions for certain times of day, and parking spots that require permits.

So be it, mga kapasada.

***TAKE NOTE*** When you drive a company vehicle, a passenger bus or your own car, you are in business – your driving skills as your main stock in trade.  If you commit an error, you will adversely affect your business, and you may suffer slight or serious physical injuries, permanent disability, and damage to property o loss of life! –  Defensive driving by L. Belen.

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.