PAGPABOR NG NAKARARAMING PINOY SA WAR ON DRUGS SAMPAL SA MUKHA NG MGA KRITIKO

Salvador Pa­nelo

WELCOME sa Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 79 porsiyento sa mga Filipino ang kontento sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga.

Sinabi  ni  Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, sampal sa mukha ang survey sa mga kritiko at mga taga-oposisyon na wala nang ibang hinangad kundi ang magpakalat ng pekeng balita dahil mismong ang taumbayan na ang nagsalita.

Sinabi pa ni Panelo na wake up call din ang natu­rang survey sa ibang bansa at mga dayuhang grupo na bumabatikos sa anti-drug war campaign.

“Dapat  itigil na ng mga dayuhang grupo at indibidwal ang pagpapanggap na nababahala sa karapatang pantao sa Pilipinas (sic) dahil malinaw na pambabastos lamang ang kanilang ginagawa sa soberanya ng bansa,” pahayag ni Panelo. E QUIROZ

Comments are closed.