PRAYORIDAD na matalakay sa pagbabalik ng sesyon sa Senado sa susunod na linggo ang panukala na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections nitong 2025.
Ito ang pahayag ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino.
Kasama rin sa mga prayoridad ang panukala para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang panukalang pagtaas sa pension differentials ng mga kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA), at ang panukalang maamyendahan ang Baguio City charter.
Ang panukalang ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay lumusot na sa bicameral conference.