SUPORTADO ng Liga ng mga Barangay na ipagpaliban muna sa susunod na taon ang pagdaraos ng barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Dr. Eden Chua Pineda, pangulo ng grupo, walang sapat na panahon ang mga opisyal ng barangay na gawin ang kanilang proyekto dahil abala sila sa pagiging frontliner sa kasagsagan ng pandemya.
Sang-ayon naman aniya sila sa panukala ng ilang mambabatas na pahabain ang termino ng mga opisyal ng Barangay at SK hanggang anim na taon, mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Makatutulong aniya ito sa pagsulong ng kapayapaan sa mga barangay.
Matatandaang sa huling datos, nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang BSKE matapos makapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara. DWIZ882