PAGPANAW NG AMA DINAMDAM NI BILLY CRAWFORD

Namimighati si Billy Crawford sa pagkamatay ng kanyang amang si Jack Crawford dahil hindi man lamang siya nakapagpaalam dito.

“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart,” ani Billy.

Aniya, si Jack ang “greatest dad I could ever have.”

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga celebrity friends at fans ng singer sa pamamagitan ng social media, sa pangunguna ni Jessy Mendiola na asawa ng itinuturing niyang best friend na si Luis Manzano.

Nakiramay din sina Sam Conception at Ryan Bang.

Hindi idinitalye ni Billy ang sanhi ng kamatayan ng kanyang ama. Gayunman, naipakilala niya dito ang anak na si Amari kaya alam niyang masaya ito sa kabilang buhay. Ang asawa umano niyang si Coleen Garcia ang gumawa ng paraan upang magkaroon sila ng reunion.

RLVN