PAGPAPADALA NG HSW SA SAUDI TINUTULAN

IGINIIT  ni Senador Joel Villanueva,  chairman ng Senate Committee on Labor na tutol ang ilang senador sa pagpapadala muli ng house-hold service workers sa bansang Kuwait.

Ayon kay Villanueva, ayaw ng mga senador na magpadala ng mga household service workers sa natu­rang bansa.

Lumabas sa pagdinig na paulit-ulit na lamang ang insidente ng pang-aabuso, panggagahasa at pagpatay sa mga household service workers kahit na may Memorandum of Understanding ( MOU)  at tanging nababago at naiiba lamang ang mga pangalan ng mga biktimang Pinay HSW.

Dahil dito, hinikayat ni Villanueva ang Department of Labor and Employment ( DOLE) at ang Philippine Overseas Employment Agencies ( POEA) na pag-aralan na ang pahayag ng nakakaraming senador na permanent deployment ban ng HSW sa bansang Kuwait.

Dagdag pa ng senador, hindi na kailangan ng batas para gawin ito at maari naman na ipatupad ang total ban ng HSW sa Kuwait sa pamamagitan ng Department Order. VICKY CERVALES

Comments are closed.