PAGPAPAIGTING SA SISTEMA NG PAMAMAHAGI NG BAKUNA SA BANSA

JOE_S_TAKE

NAKIKITAAN na ng bahagyang pagbaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw. Nakikita na ang epekto ng ipinatupad na mga community quarantine at ang pagpapaigting sa pamamahagi ng bakuna sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) noong ika-23 ng Mayo, ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay 1,179,812. Sa bilang na ito, 50,635 o 4.3% ang naitalang aktibong kaso. Bagaman umaabot na sa halos 20,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19, umangat naman sa 1,109,226 o 94% ang bilang ng mga gumaling mula sa pagkakasakit ng COVID-19.

Subalit kahit nakikitaan na ng pagbuti ang ating sitwasyon, hindi ito nangangahulugan na maaari na tayong maging  kampante. Mahaba-haba pa ang ating tatahakin bago tuluyang mapagtagumpayan ang laban na ito.

Kritikal ang papel na ginagampanan ng bawat sektor ng lipunan sa pagpapaigting ng ating laban kontra COVID-19.  Ang pamahalaan ang may responsibilidad na masiguro ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng dosis ng bakuna para sa populasyon ng bansa, habang sinisiguro na patuloy sa pagtakbo ang ekonomiya. Mahalaga rin ang papel ng pribadong sektor na siyang tumutulong at sumusuporta sa pamahalaan sa laban kontra COVID-19. Lalong mahalaga ang ating responsibilidad bilang mamamayan. Responsibilidad natin na sumunod sa mga panuntunan na ipinatutupad habang tayo ay nasa ilalim ng umiiral na community quarantine.

Responsibilidad din natin ang pag-ingatan ang ating mga sarili at ang lumahok sa programa ng pagpapabakuna.

Magandang balita naman ang pagdating ng isa pang batch ng dosis ng Sinovac sa bansa noong ika-20 ng Mayo. Ang bagong batch ay may bilang na 500,000 na dosis. Kabilang ang bagong dating na dosis ng bakuna, ayon sa mga ulat, nasa 8,279,050 ang kabuuang bilang ng mga dosis ng bakuna na ang natanggap ng bansa. 5.5 milyong dosis ay mula sa Sinovac, 2,556,000 dosis mula sa AstraZeneca, 193,050 mula sa Pfizer, at 30,000 mula sa Sputnik.

Kamakailan ay opisyal nang nagpirmahan ng kontrata ang Filipinas at Pfizer. Ito ang maituturing na pinakamalaking transaksiyon ng pagbili ng bakuna sa Timog Silangang Asya sa bilang na 40 milyong bakuna na binili ng Filipinas mula sa nasabing kompanya.

Ayon sa isang ulat ng Bloomberg, pumapangalawa ang Filipinas sa buong Timog Silangang Asya, at ika-13 naman sa buong Asya, sa listahan ng mga bansa na may pinakamaraming naipamahaging bakuna. Kamakailan nga ay umabot na sa 4 milyong dosis ang naipamahaging bakuna sa bansa. Ayon sa datos noong ika-22 ng Mayo, nasa 4,097,425 dosis na ang naipamahagi. Higit tatlong milyon dito ay ipinamahagi bilang unang dosis habang halos isang milyon naman ang naipamigay bilang ikalawang dosis. Ayon sa datos noong ika-22 ng Mayo, 949,939 na ang bilang ng nakakuha ng kumpletong dosis ng bakuna. Ito ay 1.64% pa lamang ng ating populasyon.

Sa kabila ng magandang interpretasyon sa mga datos ukol sa pamamahagi ng bakuna sa bansa, isa sa mga suliraning kinakaharap ng pamahalaan ay ang pagiging mapili ng mga mamamayan sa tatak ng bakuna na nais nilang  makuha.

Hinihikayat ni DOH Secretary Francisco Duque III ang mga mamamayan na huwag maging mapili sa tatak ng bakuna. Ipinaaalala ni Duque na sa bawat pagkakataong pinalalampas ng isang tao na maaari nang magpabakuna, nariyan din ang tumataas na posibilidad ng pagkakaroon ng virus. Ayon kay Duque, bagaman karapatan ng mamamayan na mamili ng bakuna, marahil ang dapat pagpilian ng mga tao ay kung magpapabakuna ba ito o magkakasakit. Sa madaling salita, mas mataas ang benepisyo ng pagpapabakuna, anuman ang tatak nito, kumpara sa panganib ng pagkakaroon ng COVID-19.

Ayon kay Duque, mas malala ang problemang sanhi ng pagiging mapili sa tatak ng bakuna kumpara sa problema ng ayaw magpabakuna dahil sa takot sa epekto nito. Hindi dapat maging mapili sa tatak ng bakuna dahil anuman ang tatak ng bakuna, pare-pareho lamang itong may kakayahang makapagbigay ng proteksiyong kinakailangan ng isang indibidwal laban sa COVID-19.

Sa kabila ng mga suliranin ng pagiging mapili sa bakuna, patuloy pa rin ang pamahalaan sa pagsiguro ng pagkakaroon ng sapat na bilang ng dosis ng bakuna at sa pagpapaigting ng sistema ng pamamahagi nito. Isa sa mga pinag-uusapang diskarte sa pagpapabilis ng pamamahagi ng bakuna ay ang 24/7vaccination.

Iminungkahi ni House deputy speaker at 1-PACMAN Rep. Michael Romero ang ukol sa 24/7na pamamahagi ng bakuna. Kaugnay nito ay umapela rin siya kay vaccine czar Carlito Galvez na magdagdag pa ng mga taong awtorisadong magbakuna upang masuportahan ang panukala nitong 24/7 vaccination. Ang nasabing apela ay suportado rin ni House Speaker Lord Allan Velasco. Layunin ng panukalang ito ang maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao sa mga vaccination center.

Sang-ayon ako sa panukalang ito dahil bukod sa kuwento ng ilang kakilala ay makikita rin sa ilang mga post sa social media na inaabot ng ilang oras ang paghihintay sa vaccination center para lamang makapagpabakuna.

Ang pagkakaroon ng 24/7 na vaccination program ay magbibigay-daan sa pagkakaroon ng mas maayos na pagtatakda ng iskedyul sa mga indibidwal na nagnanais magpabakuna. Sa ganitong paraan din ay maiiwasan ang mahabang pila at pagkaipon ng mga tao. Tila wala kasi itong kaibahan sa mga pagtitipon na ipinagbabawal ngayong community quarantine.

Sa aking personal na pananaw, dapat pagtuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan kung paano gagawan ng paraan na hindi magtatagal sa pagpila ang mga tao. Ang pagsasama-sama sa isang lugar sa loob ng ilang oras ay maaring maging sanhi upang makahawa sakaling mayroong indibidwal na pumila na positibo pala sa COVID-19.

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan, ang istratehiya nito sa pamamahagi ng bakuna ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa pagtatayo ng malalaking vaccination site. Ayon naman kay National Task Force Against Covid-19 (NTF) deputy chief implementer Vivencio “Vince” Dizon, maaaring pag-aralan ang pagkakaroon ng 24/7 vaccination kapag nagsimula nang pumasok sa bansa ang bulto ng mga dosis ng bakuna. Plano ng pamahalaan na makapagbakuna ng 300,000 na indibidwal kada araw upang makamit ang layunin nitong mabakunahan ang 70 milyong Pilipino.

Panatag naman ang aking kalooban na malaman na patuloy ang pamahalaan sa pagsusumikap na magampanan ang mga responsibilidad nito sa laban kontra COVID-19. Upang mapagtagumpayan ang labang ito, kasabay ng pagsusumikap ng pamahalaan ay dapat ding makiisa ang mga mamamayan. Huwag maging mapili sa tatak ng bakuna laban sa COVID-19. Ang mahalaga sa kasalukuyan ay ang pagkakaroon ng kinakailangang proteksiyon laban sa COVID-19 na tanging bakuna lamang ang makapagbibigay, anuman ang tatak nito.

37 thoughts on “PAGPAPAIGTING SA SISTEMA NG PAMAMAHAGI NG BAKUNA SA BANSA”

  1. Do you mind if I quote a few of your articles as long as I provide credit and sources back to your webpage?
    My blog site is in the exact same area of interest as yours and my users would certainly benefit from some of
    the information you present here. Please let me know if this ok with you.

    Thanks!

  2. Link exchange is nothing else however it is only placing the other person’s website link on your page
    at appropriate place and other person will also do similar in favor of you.

  3. I am now not positive where you’re getting your information,
    however good topic. I needs to spend some time studying more or understanding more.
    Thank you for excellent info I was on the lookout for this info for
    my mission.

  4. Thanks for another informative site. Where else may just I
    am getting that type of information written in such a perfect way?
    I have a venture that I am simply now operating on, and I’ve
    been at the glance out for such info.

  5. Awesome site you have here but I was curious about if you knew of any community forums that cover the same
    topics talked about here? I’d really like to be a
    part of online community where I can get feed-back from other
    experienced individuals that share the same interest.

    If you have any suggestions, please let me know. Thanks!

  6. I’ve been surfing online greater than three hours lately, yet I never found any attention-grabbing article like yours.
    It is beautiful value sufficient for me. Personally,
    if all website owners and bloggers made excellent content as you probably did, the web
    will probably be much more helpful than ever before.

  7. Yall already know how much iwant to give a subscribe or a follow for this.
    Let me give my secrets on really amazing stuff and
    if you want to know whats up? I will share info about how
    to get connected to girls easily and quick check and follow me bros!

  8. I’m curious to find out what blog platform you happen to be using?

    I’m experiencing some small security problems with my latest site and I
    would like to find something more safe. Do you have
    any suggestions?

  9. ラブドール 本物 この素晴らしいサイトを見つけてとても嬉しかったです。この特に素晴らしい読書をありがとうございました!私は間違いなくそれのすべてを味わいました、そして私はあなたのウェブサイトで新しい情報をチェックするためにあなたにマークを付けてもらっています。

Comments are closed.