PAGPAPAIKLI SA PAGITAN NG FIRST AT SECOND DOSE NG COVID VACCINE TINUTULAN

TUTOL ang vaccine expert panel ng Pilipinas sa mga panukalang paikliin ang pagitan ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Nakita sa isang pag-aaral na mas kaunti ang antibody ng mga indibiduwal na nakatanggap ng ikalawang dose ng Sinovac sa loob ng dalawang linggo kumpara sa nabakunahan ng second dose matapos ang 28 araw.

“Very big difference when you adjust the interval from 14 days to 28 days,” ani Dr. Rontgene Solante, miyembro ng panel.

So we cannot afford shortening the interval from 28 to 14 days kasi medyo dehado tayo sa efficacy ng bakuna,” ayon pa rito.

Halos pareho rin ang resulta sa pag-aaral sa mga bakuna ng AstraZeneca, kung saan nakita na 18 beses na mas mataas ang antibodies na naibibigay ng bakuna kung ang second dose ay ituturok halos isang buwan matapos ang unang dose.

Nauna nang iminungkahi ng OCTA Research Group na paikliin ang interval sa pagitan ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines para mapabilis umano ang pagdami ng mga fully vaccinated na Pinoy sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant.

Siniguro naman ng Department of Health na hindi magkakaroon ng magkaibang pagtrato sa mga fully vacinated at mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

“There will be no distinction between vaccinated and unvaccinated individuals,” pahayag ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Target ng Pilipinas makapagbakuna ng 58 milyon hanggang 70 milyon ng populasyon bago matapos ang taon.

57 thoughts on “PAGPAPAIKLI SA PAGITAN NG FIRST AT SECOND DOSE NG COVID VACCINE TINUTULAN”

  1. 506531 77931Having been simply looking at useful blog articles with regard to the project research when My partner and i happened to stumble on yours. Thanks for this practical information! 732882

Comments are closed.