Puspusan ang pagtatrabaho ng mga kawani ng Meralco upang mabigyan ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente ang United Imus Doctors Inc., isa sa mga COVID-19 treatment facilities na matatagpuan sa Lungsod ng Imus, Cavite. Kasama sa proyektong ito ay ang pag-upgrade ng metering facilities, pagtayo ng dalawang concrete poles, at ang pagpalit sa dalawang 75-kVA distribution transformers ng tatlong 250-kVA distribution transformers. Ang pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga quarantine at treatment facilities ay isa sa mga priority projects ng Meralco ngayong taon, patunay sa walang humpay na suporta ng Meralco sa gobyerno at sa pribadong sector laban sa pandemyang COVID-19.
Comments are closed.