PAGPAPAILAW SA BAGONG QUARANTINE FACILITY NG VALENZUELA, HATID NG MERALCO

MERALCO-3

PATULOY na suporta ang hatid ng Meralco sa gobyerno at pribadong sektor kontra COVID19. Pina­ilawan nito ang bagong DPWH-sponsored Quarantine Facility sa Arkong Bato National High School, ­Valenzuela City. Labing-dalawang container vans ang na-repurpose para maging 44 na air conditioned rooms, dalawang (2) nurses’ stations, isang (1) radiology room, at isang (1) x-ray room para sa quarantine facility na ito. Ang bawat isa sa 44 kuwarto  ay mayroong hospital bed, mesa, upuan, at sariling comfort room. Ang energization project ng Meralco ay naghatid ng serbisyo ng kuryente sa facility na ito sa pamamagitan ng pag install ng bagong metering facility, pagtayo ng isang (1) concrete pole, at dalawang (2) 75-kVA distribution transformers. Ang Arkong Bato Quarantine Facility ay isa sa mga mahahalagang ospital at COVID-19 treatment at isolation centers sa Meralco franchise area na binibigyan ng mataas na prayoridad na makakuha ng ligtas at maasahang suplay ng kuryente.

 

 

 

Comments are closed.