PAGPAPAIRAL NG PORK BAN SA CEBU NANANATILI

Pork Ban

MARIING ipinagbabawal pa rin sa lalawigan ng Cebu ang pagpasok ng mga pork product mula sa Luzon.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, kasunod ng kautusan na ipinalabas ni Interior and Local Government Secretary Año sa ilang mga LGU official na alisin na ang pork ban sa mga karneng baboy galing Luzon bunsod ng pagkaka­lugi na umano ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI).

Pahayag ni Dr. Mary Rose Vincoy, provincial veterenarian, hindi maaaring alisin ang pork ban sa pangambang makapasok pa rin ang African Swine Fever (ASF) virus sa Cebu.

Ikinatuwa naman nito ang paninindigan ni Garcia dahil sa tinatayang P10.9 bilyong hog industry ng lalawigan ang malalagay sa alanganin sapagkat posibleng makapasok pa rin ang ASF sa Cebu.

Nabatid na nakasaad rin naman umano sa Local Government Code na may full-authority ang LGU na magpalabas ng order kung saan nakasalalay na rito ang kapakananan ng pangkalahatan. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.