CAMP CRAME – SINUSUPORTAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang kagustuhan ni Interior Sec. Eduardo Año sa muling pagbuhay ng anti-subversion law.
Ito ay dahil na rin sa dami ng mga kabataang nare-recruit ng New People’s Army (NPA) kung saan batay sa datos ng DILG mula sa dating limang daang kabataan kada taon naging 1,000 na kada taon ang napasasama o nare-recruit ng komunistang grupo.
Sa pahayag ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde, kailangang mapag-aralang mabuti ang muling pagbuhay sa batas.
Ang anti-subversion law ay naisabatas noong 1957 sa panahon ni dating Pangulong Carlos P. Garcia ngunit sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992, inalis ang batas at nanatili ang sedition bilang isang criminal offense.
Ikinakaso ang mga ito sa mga indibidwal o grupo na nagkakaisa para pabagsakin ang gobyerno.
Sas pahayag ni Albayalde, na masyado nang desperado ang komunistang grupo kaya pinaparamdam nila sa publiko ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng pag-atake at pagre-recruit. REA SARMIENTO
Comments are closed.