WALANG dapat ikabahala ang mga residente na malapit sa mga dam sa kabila ng pagpapakawala ng tubig ng mga ito bunsod ng walang tigil na ulan na dala ng habagat.
Ayon kay Richard Orendain ng Pagasa-Hydrometeorology Division, maliit ang mga gate at normal ang daloy ng tubig sa mga dam.
Kabilang sa mga nagpakawala ng tubig ang Ambuklao sa Benguet at San Roque sa Pangasinan.
Gayunman, kailangang i-monitor at maging alerto ang mga residente sa paligid ng San Roque, na pinakamalaking dam sa Filipinas.
Kabilang sa mga dapat mag-monitor at manatiling alerto ang mga residente sa mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Tayug, Asingan, Santa Maria, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang. DWIZ882
Comments are closed.